• Post author:
  • Post category:Blog

Sinamsam ng mga awtoridad ang 800,000 namumulaklak na tulip sa silangang Japan upang mapigilan ang mga tao na magtipon sa isang kanseladong taunang pagdiriwang ng bulaklak.

 Ang mga pangamba sa pagkalat ng coronavirus ang nagtulak sa mga opisyal na kanselahin ang taunang Sakura Tulip Festival sa Chiba Prefecture, Japan – na karaniwang dinadayo ng daan-daang libo turista.

 Ngunit hindi pa rin maiwasan ang pagtitipun-tipon ng mga tao upang makita ang mga bulaklak. Ayon sa Sakura City Tourism Association, ito ang dahilan ng kanilang desisyon na putulin na lamang ang halos 800,000 bulaklak.

Pinalawak sa Japan ang state of emergency sa buong bansa upang maiwasan ang pagkalat ng sakit, ngunit ang mga hakbang ay walang ligal na puwersa at hindi maaring ipinatupad kumpara sa ibang lugar sa mundo.

Next PostRead more articles