You are currently viewing Domestic Violence sa Panahon ng Lockdown
Lockdown may increase the opportunities for people who are already abusing to control women and children in their homes to a greater degree.

Domestic Violence sa Panahon ng Lockdown

  • Post author:
  • Post category:Unthinkable

Nagbabala ang isang kawanggawa na ang patuloy at mas matinding paghihigpit sa pag-lockdown ay magbibigay ng mas maraming pagkakataon na mang-abuso ang sinuman sa kanilang mga biktima sa loob ng pamamahay.

Sinabi ng Scottish Women’s Aid na ang kalubhaan ng pag-abuso sa loob ng bahay ay malamang na madagdagan din.

Sinabi niya na ang mga biktima  ay ligtas sa mapang-abuso kung sila ay nasa paaralan, trabaho, o saan mang lugar basta’t malayo sila sa bahay.

Sinabi ng kawanggawa na nararapat lamang na ang mga helpline ay maging bukas ’24 hours a day’ sa panahon ng pandemya upang mag-alok ng suporta sa pamamagitan ng isang serbisyo sa webchat at email.

Sinabi rin na maaaring pakikibaka ng mga kababaihan na panatilihing ligtas ang kanilang sarili at ang kanilang mga anak sa buong panahon ng lockdown.

Ayon naman sa punong ehekutibo na si Dr. Marsha Scott ng BBC: “Ang pang-aabuso ay hindi sanhi ng pagiging magkasama sa iisang bubong. Tungkol ito sa mga pagkakataon or opportunity na makapang-abuso sapagka’t mas kontrolado nila ang situasyon kapag sila ay nasa iisang bahay.”

“Ang pandemya ay maaaring makapagbigay ng mas maraming pagkakataon para sa mga tao na umaabuso,  kontrolin at pilitin ang mga kababaihan at mga bata sa kanilang mga tahanan sa mas mataas na antas – diktahan kung sino ang dapat na kausap nila, kailan dapat kumain, matulog,  lumabas, at  ang lahat ng ito ay nagbibigay ng mas masamang situasyon tungkol sa pandemya.”

Sinabi rin niya: “Ito ay isang kaganapan sa 24/7 bago ang pandemya at ang mga kababaihan at mga bata ay nasa mas mataas na peligro sa ngayon dahil kakaunti lamang ang kanilang pagkakataon na makakonekta sa mga kaibigan at mga kamag-anakan at pumunta sa paaralan at workplace kung saan malayo sila sa ganitong environment.”

“Ang aming pinakamalaking pangamba ay ang extension ng lockdown at sa kaunting katiwasayan para sa mga kababaihan at mga bata. Talagang mahalaga ang pagpapanatiling bukas ng mga serbisyo para sa pang-aabuso sa tahanan sa panahon ng pandemya.”

Sinabi niya: “Ang pag-lockdown ay naging isang pinakamalaking aalalahanin para sa mga kababaihan na nahaharap sa pang-aabuso sa tahanan.”

“Ang ‘zero-tolerance’ ay nangangahulugan na walang sinuman ang dapat panghinaan ng loob na makipag-ugnayan sa mga serbisyo at suporta dahil sa pandemya. Ito ang mga mahahalagang serbisyo  na kailanman ay hindi dapat ipagwalang bahala.”

“Habang nagpapatuloy ang pag-lockdwon ay dapat nating tiyakin na ang mga serbisyo at suporta ay mananatiling bukas, at ang anumang mga karagdagang mapagkukunan na  mga kinakailangan ay maibigay. Mas mahalaga na ang mga serbisyo at lugar ng kanlungan ay madali nilang ma-access upang malaman ng mga kababaihan na mayroon silang isang mapupuntahan na malayo sa  mapang-abuso.”

What’s do you think?
Upvote
Upvote
0
Love
Love
0
Funny
Funny
0
Surprised
Surprised
0
Sad
Sad
0
Angry
Angry
0