You are currently viewing It’s About Time to Approve Divorce in the Philippines
Lahat tayo nagkakamali at hindi dapat makulong sa maling desisyon na nagawa.

It’s About Time to Approve Divorce in the Philippines

  • Post author:
  • Post category:Unthinkable

Sa mga naririnig ko sa experiences ng mga relatives ko, kapitbahay, kaibigan at sa kakapanood ng Youtube videos ng ‘Erwin Tulfo in Action’, dapat na talagang aprubahan ang DIVORCE  sa Pilipinas. Ang Vatican City at ang Pilipinas na lang ang dalawang bansa o lugar sa mundo ang walang divorce. Oo, the Philippines is a Christian country, but hello?! Hindi naman lahat tayo ginagawa ang practice ng mga Christians, yan ang totoo.

Nakakainis talaga eh. Madali sa mga Pilipino ang magdecide mag-asawa dahil sa pag-ibig, tapos magpapakasal. Ang hilig natin  magmahal eh. Kahit asawa ng iba, or pag-aari ng iba, minamahal natin. Iyan ang problema, kahit kasal, pag-uminit ang dugo at nakakita ng kaakit-akit, ayun! Mamahalin na at hirap ng pigilan. So, yung partner at legal na asawa, wala naman talaga rin na magagawa kase umiibig na sa iba ang asawa nila at lahat gagawin, makita o makasama lang yung bagong pag-ibig. Kaya, nasasaktan na yung legal na asawa, magwawala na sya. Masasaktan na ang mga anak, away dito, away doon sa loob ng bahay. Wala ng katahimikan sa bahay, hindi na healthy environment para sa mga lumalaking mga anak. Much worse, makiki-usap yung asawa na tigilan na ang out of marriage love affair ng partner nya, luluhod at gagawin ang lahat para manumbalik ang pagmamahal or papayag na lang  dalawa sila sa buhay ng nangaliwang sa iisang bahay, sobrang bastusan na yan! Minsan pa, pinipilit lunukin ang ganitong situation hanggang sa masanay na lang at maging normal na dahil conditioned na ang utak. Tapos, sa mga mata ng mga anak, mga bata sa kapitbahay, iisipin nilang acceptable yan at gagawin din nila in the future. Nakakababa talaga yan ng dignidad, masyadong insulto sa pagkatao, higit pa sa hayop!  In most cases, mahirap ibalik ang pagmamahal dahil ang tao ay hindi pwedeng magmahal ng dalawa, tatlo or sampu. Iisa lang puso natin. Kung may asawa ka, at nagmahal ka ng iba, ibig sabihin nito, hindi mo na mahal ang asawa mo. Mahal mo na yung bago. Dahil kung mahal mo legal na asawa mo, hindi mo kayang magmahal ng iba. Kaya ang solusyon dyan, APPROVE DIVORCE in the Philippines and of course, kasama dito ang kasunduan na suportahan ang mga bata financially, morally, etc. and lahat yan dadaan sa legal na sistema. Please note, mag-di-divorce lang ang mag-asawa, hindi idi-divorce ang mga anak.  Kapag ang Divorce ay ma-approve, mas pipilitin ng mga mag-asawa na pagtibayin ang kasal at pagsasama nila dahil matatakot sila kapag ang isa sa kanila ang mag-challenge ng divorce.

Kaya tuloy, marami ang nagsasama  or live-in partners na lang at uso na ang hindi nagpapakasal. Tapos, ang mga babae ay nabubuntis at  nawawala na parang bula ang mga lalaki pag nakakita ng iba.  Sino ang kawawa? Mga babae at mga anak, unfair di ba? Okay, baligtarin natin ang situation, may mga babaeng iniiwan ang mga anak nila sa tatay at sasama sa iba, nangyayari ito, di ba? Dahil sa bagong pag-ibig gagawin ang lahat, kahit bastusan na.  Mapalad na lang si babae kapag nakatagpo sya ng magmamahal sa kanya uli at ituturing na mga anak din nya ang mga anak ni babae. Kung kahit nga kasal, nagagawa ito. Pero kung gawing legal ang divorce, may legal na habol ang na-agrabiyado na asawa at magiging automatic or madali na ang system for justice.  Kung may divorce,magkakaroon ng sistema,  lahat idadaan sa legal, mula sa financial support sa mga bata, malinis na marital status na pwedeng magsimula ng bagong buhay uli dahil magiging katanggap-tanggap ng society natin ang divorce. Legal na rin ang paghahabol kapag hindi sumunod sa kasunduan lalo na sa financial support, dahil lahat iyan, naka-record sa kasunduan ng Divorce. Hindi makakatakas ang lalaki sa obligasyon na ito.  At kapag masaya tayo deep inside us, mas magiging productive tayo and eventually, good citizens  at ang bansa natin ang makikinabang kaya mas uunlad ang bansa natin.  Please, hindi na angkop ang ‘walang divorce’ na batas sa lifestyle ng mga Pilipino. Sobrang hindi na match! Yes to DIVORCE IN THE PHILIPPINES!

What’s do you think?
Upvote
Upvote
1
Love
Love
0
Funny
Funny
0
Surprised
Surprised
0
Sad
Sad
0
Angry
Angry
0