You are currently viewing Lola Damiana ng Buhay Namin
Si Lola Damiana na handang makipagsuntukan kapag hinamon ng giyera.

Lola Damiana ng Buhay Namin

  • Post author:
  • Post category:Laughable
old lady walking with wooden cane
Si Lola Damiana na may dalang pagkain pagkatapos bumisita sa munisipyo at palengke.

Image source – Val Santos Matubang 

Isa ka rin ba sa mga natutuwa kapag nakikita si Lola Damiana sa mga videos nina “Kalingap Rab” at “Val Santos Matubang?”

Noong una kong nakita ang video ni Lola Damiana, natuwa ako dahil sa tuwing may inaalok sa kanya si Kuya Val, tatanggapin muna niya tapos sasabihing “Layas!”, abah! Suplada ang lola. Una, mailap siya pero hindi nagtagal, madalas na siya ngumiti at lalong naging palabiro. Malaman ang mga “hugot” ni Lola, marami ang natatamaan. At may paninindigan siya dahil kahit anong paikot ang tanong sa kanya, iisa ang lagi nyang sagot … “Huwag mahiyang humingi, kesa sa magnakaw.” Hindi rin siya tumatanggap ng malaking pera dahil hindi naman daw niya madadala ito pag namatay siya, ibinabalik niya ang pera na inaabot sa kanya ni Kuya Val. Ang importante sa kaniya, yung may pagkain siya araw-araw. Isipin na lang ang layo ng nilalakad ni Lola para lang makahingi ng pagkain sa Bayan, araw-araw niya palang ginagawa ito.

Pag nakikita ko si Lola at kapag nagkwento na siya tungkol sa sundalo, Amerikano, giyera, nakikita ko sa mukha nya yung mga matatandang babaeng bayani natin. Naalala ko ang Philippine History subject ko tuloy. Si Lola Damiana ang bumubuhay sa mga napag-aralan ko noon. Siguro, ito rin ang dahilan, kaya mahal din siya ng mga kabataan.

Kapag nagalit na si Lola, at dala ang kahoy, naiisip ko na ganito sila magprotekta sa mga apo lalo  na sa bandang probinsiya. Kaya dahil kay Lola Damiana, maraming memories ang bumabalik sa isip ng mga nanonood tungkol sa mga lola nila. Siya rin ang nagpapaalala sa mga naiwanan na ng Nanay nila tulad ko. Dahil kay Lola Damiana, nainitindihan ko na kung bakit ganoon mag-isip ang Nanay ko nuong buhay pa siya. Minsan naiiyak na lang ako habang pinanonood ko ang videos ni Lola Damiana, dahil hindi ko naintindihan ang Nanay ko noon. Yung ngiti ni Lola Damiana kapag nagugustuhan niya ang pagkain at mga bagay na regalo sa kanya at yung todong pag-iling niya kapag ayaw niya, marahil ito rin ang bagay nagpapa-alala sa marami ng kanilang yumaong ina. Masarap tingnan ang mga ngiti ni Lola Damiana na parang gusto ko siyang yakapin.

Lola Damiana, maraming salamat at nakilala ka namin. Nang dahil sa inyo, marami kaming naintindihan tungkol sa buhay, nagbukas ng aming mga mata. Siguradong marami pa kaming matutunan sa inyo, sana po ay makita ka pa namin ng maraming taon. Ingat po lagi, Lola Damiana. Huwag na sanang maulit yung napilayan kayo. Ginagawa na nina Kuya Val at Rab ang lahat para hindi na po kayo pumunta sa bayan para humanap ng pagkain. Ingat po lagi, Lola Damiana.

What’s do you think?
Upvote
Upvote
0
Love
Love
4
Funny
Funny
1
Surprised
Surprised
0
Sad
Sad
0
Angry
Angry
0