Lockdown, stay at home, no work no pay, enhanced community quarantine, social distancing, relief goods – ito ang karaniwang naririnig natin sa mga taong nakapaligid sa atin sa panahon na tayong lahat ay nag-aalala sa global pandemic or covid-19 or coronavirus. For the rich, ito ang pagkakataon nilang magpahinga, makapiling ang mga mahal nila sa buhay, magsimula ng bagong hobbies or magkaroon ng oras para magawa ang mga hobbies nila, magbakasyon sa mga isla na pag-aari nila mismo at iba pang bagay na miss na nilang gawin.
Tingnan naman natin ang middle class, nasa bahay nga sila pero pwede pa rin na magtrabaho, work from home gamit ang computers. Mas may oras pa sila para gawin ang mga bagay tulad ng manood ng movies sa tv, Youtube videos, Facebook , Tiktok at iba pang social media habang kumikita pa rin ng pera. Pero sa majority ng populasyon sa Pilipinas na poor class, ang panahon na ito ang pinakamahirap na maranasan. Mahigpit na ipinagbabawal ang lumabas ng bahay para maiwasan ang mabilis na paghawa ng COVID-19 pero bakit marami pa rin tayong nakikita na nasa labas ng kalsada o yung tinatawag natin ng mga “istambay”? Iilan lamang ang mga sumusunod na kadahilanan kung bakit ipinagpipilitan nilang lumabas pa rin ng bahay. Una, masyadong masikip ang bahay nila para sa buong pamilya at mga kamag-anak na kasama nila sa bahay at ang hangin ay hindi fresh. Sa normal na araw na nagtatrabaho sila, sa gabi lang sila nasa bahay para matulog at kung weekend naman, nasa labas sila ng bahay para makipag-usap sa mga kapitbahay. Pangalawa, para sa may mga anak o maliliit na bata sa bahay, maaaring naiinip sila at kailangan nilang tumakbo, tumalon, makipag-habulan sa mga kalaro dahil wala silang “gadgets” na magagamit para malibang. Pangatlo, maaaring ang relasyon ng mag-asawa sa bahay ay hindi maayos at hindi nila kayang makipag-plastikan ng mahabang panahon. At higit sa lahat, nasa labas sila ng bahay para makibalita tungkol sa latest information lalo na relief goods, financial support at ayaw nilang mahuli sa mga mahalagang information tulad ng mga ito.
Kahit ano man ang dahilan nating lahat, siguro sa panahong ito dapat tayong magkaisa at magdamayan pero dapat maging mahigpit sa pagsunod sa utos ng gobyerno. Hindi gusto ng pamahalaan na magkagulo ang mga mamayan dahil ito ay laban nating lahat sa kalaban na hindi natin nakikita – ang virus. Ito ang panahon para maging creative ang miyembro ng pamilya, mag-usap para mas maging handa sa “new normal” pagkatapos ng lockdown. Para sa mga maliliit na family members, ito rin ang panahon para maturuan sila ng mga aralin at maging handa sa pagpasok sa school. Para sa mga relasyon na may lamat na, ito ang panahon na pag-isipan uli na maari pang isalba ang relasyon na inalagaan ng mahabang panahon. Ito rin ang panahon na dapat mas palakasin natin ang ating relasyon sa Panginoon, higit na kailangan natin ang Dios ngayon at ipagkatiwala sa Kanya ang lahat. Ito ang best time para mapaghandaan ang panibagong buhay na iba sa nakasanayan natin. Ngayon natin ihanda ang ating sarili sa mga bagong gawi pagkatapos ng COVID-19. Ang mga information na ating malalaman ay ibahagi sa iba, huwag natin hayaaang may mga kapitbahay tayong nagugutom. Huwag nating hayaan na may mga taong walang matatanggap na tulong at sana ay simulan natin ang ganitong uri ng pagmamalasakit sa kapwa para sa “new normal”.
What’s do you think?
Upvote
3
Love
1
Funny
0
Surprised
1
Sad
0
Angry
0
You must be logged in to post a comment.