Kagaya ng mga makina, habang tumatagal kailangan nang palitan ng mga parts para mag-function mabuti. Ayon kay Doc. Willie Ong, kilalang doktor/vlogger na nagbibigay ng health advice sa mga blogs niya, mula edad 40, 50, 60 pataas, ang ating mga organs ay humihina rin habang tumatagal o tumatanda tayo. Hindi ito pwedeng palitan tulad ng parts mga makina. Kaya ang ating lang kayang gawin ay alagaan natin silang mabuti hangga’t maaari.
- Mata – Lumalabo ang mata. Hindi nakikita ng maliwanag sa malayo man o malapit. Delikado, malapit sa disgrasya. Naglalakad man, or nagda-drive. Kaya magsuot ng angkop na salamin.
- Ang “balance” natin. Marami tayong naririnig na natumba habang naliligo, bumagsak, nabali ang hips, na-operahan, na- stroke o polmunya, kaya namatay. Laging matutumba muna. Sanhi nito, ayon kay Doc Willie Ong ay paghina ng ating tenga, mga paa, katawan kaya nawawala ang balanse, na apektado ang utak natin. Yung dating kayang talunin na tatlong hakbang, ngayon ay hindi na. Kaya hangga’t maari, humawak hangga’t may makakapitang suporta o kung may kasamang naglalakad, humawak. Para maiwasan ang aksidente, magsuot ng rubber shoes, palakasin ang katawan. Tuluy-tuloy ang exercise, maglakad ng maglakad, mga 5,000 steps or more a day, mag-strech at magpamasahe. Kumain ng mga masustansyang pagkain. Kung mahina na talaga ang balanse, gumamit ng tungkod. Pag nabalian ang matanda, one week or more bago gumaling, hindi gaya ng bata, mga dalawang araw lang.
- Baga at Puso – Ang baga hirap ng magkaroon ng sapat na oxygen kaya hinihingal na kapag aakyat ng dalawang palagpag lang, tuloy lumalakas ang kabog ng puso. Humihina ang puso at baga, kaya iwasan na ang manigarilyo o mag-vaping. Makakatulong talaga ang mag-exercise. Lagi din ipa-check up ang baga at puso.
- Utak/Memory – Humina na ang memory at palaging mainitin ang ulo. Pag mahina na ang memory, malapit din sa disgrasya. Kaya hangga’t maari huwag mag-retire. Trabaho lang ng trabaho, para laging mag-iisip. Magandang exerise iyan para mapanatili na sharp ang isip. Dalasan kumain ng brain food na mataas sa protina tulad ng itlog, nilagang mani, isda – omega 3 fatty acid.
- Muscle at Bones – Yung mga joints sumasakit na at hindi na malakas ang kapit natin kaya malapit din sa disgrasya. Kaya laging mag-exercise. Laging doble ang pag-iingat nag gawin. Dapat laging safe.
Ang mga tenga, panlasa at kidney at humihina rin. Kailangan lang ng check up lagi at “maintenance”. Minsan lang na masira ang isang parte na ating katawan, parang sa salamin, magkakaroon na ng crack at hindi na katulad ng orihinal na porma. Pangalagaan nating mabuti ang ang ating katawan.
What’s do you think?
Upvote
3
Love
0
Funny
0
Surprised
0
Sad
0
Angry
0