Sinamsam ng mga awtoridad ang 800,000 namumulaklak na tulip sa silangang Japan upang pigilan ang mga tao na magtipon sa isang kanseladong taunang pagdiriwang ng bulaklak.
Ang mga pangamba sa pagkalat ng coronavirus ay nagtulak sa mga opisyal na kanselahin ang taunang Sakura Tulip Festival sa Chiba Prefecture – na karaniwang dinadayo ng daan-daang libong turista.
Ngunit hindi pa rin maiwasan ang pagtitipun-tipon para makita ang mga bulaklak, sinabi ng Sakura City Tourism Association, na humahantong sa desisyon na putulin ang halos 800,000 na bulaklak.
Pinalawak sa Japan ang state of emergency sa buong bansa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ngunit ang mga hakbang ng state of emergency ay walang ligal na puwersa at hindi maaaring ipatupad kumpara sa ibang lugar sa mundo.